SEEN: Hindi showbiz na tao si James Reid kaya clueless ito na isyu ang harmless na pagtapik ni Nadine Lustre sa female fan na nag-request sa kanya ng selfie photo sa isang bar noong weekend.
SCENE: Ang mga confrontation scene nina Nora Aunor at Cherie Gil sa Extraordinary Love ang dapat abangan ng televiewers. Ang Extraordinary Love ang upcoming primetime television series ng GMA 7.
SEEN: Muling nagkasama sa bihirang pagkakataon ang ex-lovers na sina Vhong Navarro at Bianca Lapus sa high school graduation ng kanilang lovechild na si Yce.
SCENE: Ngayon ang opening day sa cinemas nationwide ng Da One That Ghost Away, ang comedy movie ng Star Cinema na pinangungunahan nina Kim Chiu at Ryan Bang. Ang veteran comedy director na si Tony Reyes ang direktor ng Da One That Ghost Away.
SEEN: Ngayong gabi ang premiere sa Trinoma Cinema 7 ng digitally restored at remastered version ng Ikaw Pa Lang Ang Minahal, ang 1992 movie nina Richard Gomez at Maricel Soriano. Ang Ikaw Pa Lang Ang Minahal ang Filipino adaptation ng American movie na The Heiress.
SCENE: Tumutulong si Dennis Trillo sa promo ng The Cure dahil bida rito ang kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado. Leading man ni Jennylyn sa The Cure si Tom Rodriguez pero walang dapat ipagselos si Dennis dahil going strong ang relasyon ni Tom kay Carla Abellana.
SEEN: Nag-renew kahapon si Barbie Forteza ng exclusive contract niya sa GMA Artist Center at GMA Network Inc. Ang Inday Will Always Love You ang bagong show ni Barbie sa kanyang home studio.
SCENE: Lumipad noong Lunes at kahapon sa Boracay island ang mga invited guest sa beach wedding ni Rachelle Ann Go at ng fiancée nito na si Martin Spies. Magaganap bukas, April 19, ang pag-iisang-dibdib nina Rachelle at Martin.