^

PSN Showbiz

Bahay ng sikat na personalidad sarado tuwing Pasko!

UBOS Cristy - Fermin - Pilipino Star Ngayon

Naku, sunog na sunog sa isang umpukan ang isang kilalang personalidad sa ating lipunan. Kahit pala sa kanyang hanay ay kilalang-kilala ang male personality na ito sa pagiging makunat.

Belekoy kung tawagin siya ng kanyang mga kasamahan, inuyat naman ang tawag sa kanya ng iba niyang katrabaho, halos lahat ng produktong makunat ay ikinakambal sa kanyang pangalan.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng wala pa siya sa position ngayon, e, markado na siya sa pagiging makunat. Napakalalim ng bulsa niya, meron pang zipper, talagang hirap na hirap siyang maglabas ng pera kahit barya-barya lang.

“Ibang klase siya. Palaging sarado ang bahay niya kapag Christmas season na. Napakadilim dahil pinapapatay niya ang mga ilaw sa buong bahay niya. Ang dahilan?

“Ayaw niyang may mag-caroling sa bahay nila. Ayaw na ayaw niya ‘yun, kesehodang hindi naman Pasko sa buong taon. Minsan-minsan lang naman ‘yun, kaligayahan na ng mga kababayan natin ang tumapat sa mga bahay-bahay para kantahan ang owner ng house.

“Pero sarado ang utak niya sa ganu’n, kailangang sarado ang kanilang bahay, hindi rin tinatanggap ng mga kasambahay nila ang mga sobreng konting halaga lang naman ang inilalambing kapag Pasko.

“Ayaw niyang mag-share, killjoy lang ang peg ng male personality, talagang makunat pa siya sa inuyat,” simulang kuwento ng aming source.

Ngayon ay may mas malaking kapasidad na siya para mag-share dahil maganda ang kanyang posisyon sa ating pamahalaan. Kilalang-kilala na siya kahit pa palaging kontrabida ang papel na ginagampanan niya sa mata ng publiko.

“Nakakaloka siya! Napakalaki ng naitulong sa kandidatura niya ng mga reporters. Sama-sama na ‘yun, may mga political columnists, may mga showbiz reporters, maraming dapat siyang tanawan ng utang na loob.

“Lahat silang magkakasamang pulitiko, e, pinadalhan ng sobre ng mga carolers. Panalo ang bigay ng mga kasamahan niya, pero siya, tumataginting na one thousand pesos na paghahati-hatian ng thirty members ng grupo.

“Mula nu’n hanggang ngayon, e, hari pa rin siya ng kakunatan. Naka-zipper pa rin ang bulsa niya, kaya ang reaksiyon ng mga carolers, nakakaineeeessss siya!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Mayor Goma nananawagan sa mga gumagawa ng kumot

Sinukat ng panahon ang paglilingkod ni Mayor Richard Gomez sa Ormoc City. Mula nang maposisyon siya bilang tagapamuno ng lunsod kung saan kinatawan naman ang kanyang misis na si Congresswoman Lucy Torres Gomez ay puro kalamidad na ang kanyang naengkuwentro.

Matindi ang pananalantang ginawa ng bagyong Urduja sa Ormoc. Bukod sa mga bahay na nawasak ay nobenta porsiyento rin ng kanilang mga pananim ang nilusaw ng bagyo.

Sa kuwento ng aktor-pulitiko ay nakalulungkot ang inabot ng kanyang mga nasasakupan. Nakatira ngayon pansamantala ang kanyang mga constituents sa mga eskuwelahan sa kanilang lugar. (Magpa-Pasko pa naman. Ito ang panahong dapat ay magkakasamang nagdiriwang ang mga pamilya, pero dahil sa matinding kalamidad, kahit katiting na senyal ng Kapaskuhan ay hindi nila nararamdaman. Mas mahalagang makabangon sila mula sa pagkalugmok.

Ang matinding panawagan ni Mayor Richard sa mga negosyante at may mabubuting puso ay mga kumot. Bulubundukin ang Ormoc, malapit pa sa dagat, kaya napakalamig ng klima ru’n.

“Wala na kaming mabiling kumot, kaya kung may mga manufacturers na gustong makatulong, kahit ipadala na lang nila o kami ang kailangang kumuha, bibili kami dahil napakahalaga ng kumot ngayon sa lugar namin.

“Napakalamig ng panahon, nagkakasakitan na ang mga bata, kahit ang mga elders, sumusuko na ang mga katawan nila sa sobrang lamig at ginaw sa amin,” panawagan ni Mayor Goma.

Harinawang maging maayos na ang kalagayan ng mga nasasakupan ng mag-asawa sa Ormoc City. Maging sa iba pang mga probinsiyang sinalanta ng bagyo ay maging payapa na sana ang kanilang sitwasyon.

Makapag-Pasko na sana sila sa kanilang mga sariling tahanan. Wala mang masasarap na pagkain sa hapag, ang mahalaga ay ang magkakasama sila, walang nabuwis na buhay nang dahil kay Urduja.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with