^

PSN Showbiz

Angelu De Leon, maraming pinabilib sa Pulang Araw

Pilipino Star Ngayon
Angelu De Leon, maraming pinabilib sa Pulang Araw
Angelu De Leon.
STAR/ File

Marami ang napahanga sa na­ging pagganap ni Angelu De Leon bilang si Carmela Borromeo sa Pulang Araw, na siyang nanay ni Teresita (Sanya Lopez) at nagpahirap sa magkapatid na Adelina (Barbie Forteza) at Eduardo (Alden Richards). At kamakailan nga ay pumanaw na ang karakter niya sa nasabing Kapuso show.

Puno naman ng pasasalamat si Angelu na mapabilang sa Pulang Araw. “Carmela Borromeo signing off. Taos pusong pasasalamat at paghanga sa lahat lahat ng bumubuo ng Pulang Araw. Maraming salamat at pinagkatiwala ninyo po sa akin ang karakter ni Carmela Borromeo,” post ni Angelu sa kanyang Facebook account.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga bumubuo sa programa at buong produksyon. Dagdag pa niya “Isang karangalan ang mapabilang sa Pulang Araw hindi lamang bilang isang artista kung hindi bilang isang Filipino. Nawa’y mahalin natin ang ating bansang Pilipinas.”

Patuloy na abangan ang mga maiinit na eksena sa Pulang Araw. Mapapanood ito gabi-gabi tuwing 8 p.m. sa GMA Prime.

ANGELU DE LEON

PULANG ARAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with