Kita Kita, 100 Tula, dalawang movie ni ate Guy, ibinibenta sa Asian Market

MANILA, Philippines — Kabilang sa mga mina-market sa nagsimulang Asian Film Market ang box-office hit movies na Kita Kita and 100 Tula Para Kay Stella. Pormal na nagbukas ang Asian Film Market sa Bexco, Busan, South Korea kahapon, Sabado. Tatagal ito hanggang sa Martes, October 17. 

Bukod sa movie nina Alessandra de Rossi/Empoy Marquez na nagbigay ng box-office status sa kanila at pelikula nina Bela Padilla/JC Santos na nag-no. 1 sa isinagawang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), kasama rin sa mina-market ang Double Barrel, 1st Ko si 3rd, Bar Boys, Dagsin, Jodilerks Dela Cruz (Employee of the Month), Abomination, I Love You Thank You, Crescent Moon, at ang dalawang indie film ni Ms. Nora Aunor na Kabisera at Whistleblower. 

Ang FDCP (Film Development Council of the Philippines) ang punong abala sa itinayong Philippine Pavilion dito sa Bexco kung saan naka-display ang mga pelikulang nakiisa sa film market na sinalihan ng mga sumusunod na exhibitors/companies:

CMB Film Services, Inc. 

Shooting Gallery Studios

Firestarters Productions

VYAC Productions

Rafaella Films International

Cinematografica

Ten17P

Viva Entertainment

Eight Horses Productions

MPJ Entertainment Productions

Atom and Anne Mediaworks Corporation

Story Street

Unitel Straight Shooterd 

Bullet Manila

Tamed Rose Productions

Gold Barn International 

Visioncapture Media

Inaasahang mabebenta ang mga pelikulang bahagi ng exhibit ng bansa lalo na ang Kita Kita at 100 Tula...

Kasama ang Asian Film Market sa highlights ng ginaganap na 22nd Busan International Film Festival (BIFF) dito sa Korea. 

Japanese produ naghahanap ng aktres na bibida sa Manga movie

Sino kaya ang masuwerteng aktres na mapipisil ng Japanese producer na magbida sa kanyang gaga­wing pelikula na base sa Manga? Kahapon sa Philippine Pavilion ay lumapit kasi ang nasabing producer at nagtatanong nga kung sino’ng aktres ang puwede? 

Sa Pilipinas umano niya balak i-shoot ang nasa­bing pelikula.

Show comments