^

PSN Showbiz

Sikat na personalidad hindi na nakaka-travel ng libre

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Career bumaliktad na ang kapalaran

Wala ngang foreve­r. Ang lahat ng pangyayari ay may katapusan. Lahat ng kapalaluan ay may hangganan. Basta, naniniwala ang mga dating malapit sa isang pamosong female personality na weather-weather lang ang mga kapritso, kasama na ang kamalditahan.

Dati kasi’y may boses ang pamosong babaeng personalidad na ito kapag meron siyang ginagawang proyekto, inilalatag niya kung anu-ano ang gusto niya, walang tanung-tanong naman niyang nakukuha ‘yun.

Pero bigla ngang umikot ang gulong ng kanyang career, ang dati niyang pagrereyna-reynahan ay naputol, nganga at balagoong ang drama ngayon ng kanyang karera.

Kuwento ng isang source, “’Yung mga dati niyang kontrata sa TVC, e, hindi na ni-renew. Meron mang naiwanan, hindi na kasingbongga nu’ng una ang mga nakukuha niyang considerations.

“Dati kasi, e, kasama sa usapan ang free trip sa bansang gusto niyang puntahan. First class ang tickets, lima hanggang anim ang hinihingi niya, dahil marami siyang kasama sa biyahe.

“Ibinibigay ‘yun sa kanya, walang palag ang agency, nakukuha niya ang lahat ng gusto niya. Pero dahil sa nangyari sa kanya, e, wala nang ganu’n-ganu’n ngayon, wala nang free trip abroad, waley na talaga!

“Bumiyahe man siya ngayon na kasama ang mga mahal niya sa buhay, e, kailangan na niyang bayaran ang plane tickets at hotel accommodations. Wala nang nagbibigay sa kanya ng mga ganu’ng kapritso ngayon,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Sa kanyang pag-iisa ngayon ay bigla sigurong naaalala ng pamosong female personality ang ma­tinding kapangyarihan niya nu’ng kasagsagan ng kanyang career.

“Imagine, siya lang ang personality na nakapagpapa-reschedule ng taping. Nakahanda na ang lahat, pati ang mga guests sa show, e, naabisuhan na, pero kayang-kaya niyang magpa-resched ng trabaho dahil sa mga kadramahan niya!

“Kung anu-anong rason ang ibinibigay niya, may totoo at may kapritso lang, pero walang magawa ang mga bossing niya. Wala silang choice kundi ipa-pack-up na lang ang work niya, kesehodang naka-ready na ang lahat at pagro-roll na lang ang hinihintay ng lahat.

“Inabuso niya naman kasi ang pagkakataon. Porke sikat na sikat siya, porke meron siyang power, e, ginawa na niya ang lahat to her advantage! Anyare? Ayan siya ngayon, nganga!

“Kaya totoo nga, walang forever! Weder-weder lang talaga ang lahat, kahit pa ikaw na ang nasa pinakamataas na posisyon, limitado lang ang lahat-lahat,” madiin pang pagtatapos ng aming source.

John Lloyd lumebel na kay Baron!

Lihim sigurong napapangiti si Baron Geisler dahil sa matin­ding kahihiyan at kontrobersiyang dumapo kay John Lloyd Cruz. Hindi lang nagsasalita si Baron, pero siguro’y nakatikim ito ng bendikas­yon, dahil ang madalas mangyari sa kanya ay kinasangkutan din ngayon ni JLC.

Minsan pang nagasgas ang linyang tao lang kasi. Sa industriya ng pelikula at telebisyon ay ang linyang ‘yun ang pinakaginagawang sangkalan kapag napapaloob sa iskandalo ang mga artista. Tao lang kasi.

Na totoo naman. Tao lang kasi silang hindi perpektong tulad ng mga ordinaryo nating kababayan. Tao lang din silang naghahanap ng kalayaan paminsan-minsan. Nauumay na rin sila sa karaniwang takbo ng kanilang maghapon na trabaho-bahay lang ang kapirasong mundong iniikutan nila.

Tao lang din kasi sila na gustong sumigaw sa ituktok ng bundok kung may pagkakataon. Kasi nga ay maraming bawal sa kanila. Bawal silang maglibot, bababa ang kanilang premium bilang artista kapag madalas silang nakikitang pakalat-kalat sa mga pampublikong lugar, para na silang robot.

At kapag palaging ganu’n ang rutina ng kanilang buhay ay naghahanap naman sila ng bago. Kapag araw-araw tayong kumakain ng adobo ay nasasabik naman tayo sa ibang putahe.

Minsang kumawala si John Lloyd Cruz sa pagtatrabaho niya nang maghapon at magdamag ay natiyempuhan pa siya. Nakatagpo pa siya ng mga bagong kaibigan na walang malasakit sa kanyang career.

Kinapos sa pag-iingat si JLC. Ang mga pinaggagawa niya nu’ng nasa ilalim siya ng ispiritu ng alak ay nalantad sa publiko. Pinulaan siya. Nakatikim si John Lloyd nang matinding pamba-bash.

At habang siya ang sentro ng pagpipista sa social media ay cool na cool lang si­gurong nakangiti ang mga bago niyang kaibigan dahil sa kahihiyang ang mga ito ang may gawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with