Dra. Vicki ihahatid ni Direk Quark sa altar!
For a while ay nagtampo si Direk Quark Henares sa kanyang celebrity doctor mom na si Dra. Vicki Belo dahil hindi man lamang daw niya nalaman na magpapakasal pala sa civil rites ang kanyang mom at si Dr. Hayden Kho na nangyari last June 23 officiated by Makati Mayor Abigail Binay. Pero nag-sorry at nagpaliwanagan na sila ng kanyang mom. Ginawa raw ito ng kanyang mom at ni Hayden dahil kailangan ang proof of marriage sa country of origin o sa lugar nila bago sila ikasal sa Paris, France in September.
Napag-alaman namin na si Quark ang maghahatid sa kanyang ina sa altar sa wedding nila ni Hayden sa Paris, France.
Si Quark ay nakita namin sa grand launch ng partnership ng TBA Studios and Globe Studios na ginanap recently sa Marquee Tent ng EDSA Shangri-La Hotel. Siya bale ang head ngayon ng Globe Studios at first project ng nasabing partnership ang pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral na pinagbibidahan ni Paulo Avelino na pinamahalaan ni Jerrold Tarog na siya ring nagdirek ng critically accalimed at box office hit movie na Heneral Luna na pinagbidahan naman ni John Arcilla.
Bukod sa co-production, ang Globe Studios din ang magha-handle ng marketing na pelikulang Birdshot na idinirek ni Mikhail Red at nanalo na Best Film sa 2016 Tokyo International Film Festival. Ang nasabing pelikula ay isa sa mga entries ng kauna-unahang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magsisimula ngayong Agosto. Tampok sa nasabing pelikula sina Joy Apostol, Arnold Reyes, Ku Aquino at John Arcilla.
Karylle at Iza investors sa iflix?
Ang Queen of All Media na si Kris Aquino ang kauna-unahang brand ambassador ng iflix.
Ang grand launch ng iflix ay ginanap sa Bonifacio Hall ng Shangri-La at the Fort in Bonifacio Global City noong nakaraang Huwebes ng gabi na dinaluhan ni G. Mark Britt, ang iflix group co-founder at CEO at si G. Sherwin dela Cruz, ang iflix Philippines country manager at iba pang executives. Naroon din ang singer-actress-TV host na si Karylle at ang actress na si Iza Calzado na pinaniniwalaan naming co-investors sa iflix.
Magmula nang i-launch ito sa Pilipinas, mahigit limang million na ang subscribers nito and counting. Nakapag-establish na ang iflix ng pagiging market leader in video streaming now available to over one billion consumers across 18 territories sa buong Asya, Middle East, North America at maging sa Africa.
- Latest