^

PSN Showbiz

Aktres mas lutang ang kagaspangan ng ugali kesa sa galing sa pag-arte!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kahit saang umpukan ngayon sa showbiz ay bumibida ang isang maga­ling pero palabang female personality. Dahil sa kanyang mga ginagawa na kontra sa kagandahang-asal ay mas napapansin tuloy ang kawalan niya ng kapinuhan ng ugali kesa sa kanyang talento.

Napansin ng mga nagkukuwentuhan na mula nang magkaroon ng mga parangal ang aktres ay parang nagbago na ang kanyang ugali. Lumobo na ang kanyang ulo.

Kuwento ng isang source, “Hindi naman siya ganyan dati, tahimik lang siya, todo-pasa lang. Pero mula nu’ng nagkasunud-sunod na ang mga awards niya, e, parang nag-iba na ang tingin niya sa sarili niya.

“Marami na siyang reklamo, konting bagay lang, may mga questions na agad siya sa production. At ang nakakaloka, e, ang ginawa niyang pagkompronta sa mga executives ng isang network dahil bigla na lang tsinop-chop sa ere ang programang nandu’n siya!

“Kumuda siya nang kumuda, sinumbatan niya ang mga namamahala sa show, kung anu-ano ang mga pinagsasabi niya!” sabi ng aming impormante.

Kontrobersiyal din (o nagpapakakontrobersiyal lang siya?) ngayon ang female personality dahil sa isyung pinakisawsawan niya nang wala sa tiyempo.

“Ano ba naman ‘yan? Kung gaano siya kabagal mag-dialogue sa TV at pelikula, e, siya namang bilis niyang manugod? Iba ang ginagawa niya sa style ng pagsasalita niya!” napapailing namang komento ng isang female personality na nakabalita sa ginawa niyang pagsugod sa isang network.

Kunsabagay ay nu’n pa naman napapabalita ang kakaibang tantrums ng female personality. Siya ang original na Simang, hindi ang mga bagitong artista ngayon na palaging nakasimangot, hawak ng female personality na ito ang koronang ‘yun.

“Mahirap kapain ang ugali niya. Kung minsan, wala siyang kibo, kung minsan naman, e, napakadaldal niya! Habang nagkakasayahan ang mga co-stars niya, siya naman, e, nasa ibang lugar.

“Hindi siya nakikisali sa mga kuwentuhan, may sarili siyang mundo, kaya kakaunti lang ang mga kaibigan niya. ‘Yun na siya talaga kahit nu’n pa. Hindi na bago ang mga ipinakikita niya ngayon.

“Kung ano ang maisipan niyang gawin, e, ‘yun na ‘yun! Wala siyang pinakikinggang kahit sino, sa totoo lang, mahirap talaga siyang ispilengin!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Maine pinandigan ang pagmamatigas, ‘di nadidiktahan!

Napansin lang naming magkakaibigan na mapang-inis si Maine Mendoza. Kung ano ang ayaw ng mga taong nagmamahal sa kanya ay ‘yun naman ang kanyang ginagawa.

Sabi nga ng kaibigan naming propesor, “She’s always on the other side of the fence, kontra-alto ang mga ginagawa niya.”

Kahit naman nu’ng baguhan pa lang si Maine ay nagpalutang na siya ng ugali na hindi siya madidiktahan ng kahit sino. Kung may mga kalakaran sa showbiz na sinusunod ng mga artista, si Menggay naman ay may sariling disposisyon, bakit daw siya susunod sa nakasanayan na?

Itong isyu tungkol sa kanila ni Sef Cadayona ay ikinapuputok ng butse ng mga tagahanga nila ni Alden Richards, galit na galit ang AlDub fans sa aktor, pero may ginagawa ba si Maine para pakalmahin ang kanyang mga tagasuporta?

Pinababayaan lang niya ang grupo, naliligo na nga sa upak si Sef, pero parang okey lang naman sa kanya ang mga naglalabasang pamba-bash sa binata.

Palagi siyang kontra sa panahon, nasa kabilang bakod siya palagi, sa ngayon ay hindi pa nararamdaman ng Dubsmash Queen ang magiging resulta nu’n pero isang araw ay magugulat na lang siya.

Hindi pa naman siya puwedeng pakawalang mag-isa, hindi pa niya kayang lumangoy nang wala ang kanyang salbabidang si Alden Richards, pinagkukumpara ng mga kababayan natin ang acting nila ni Kris Aquino.

Popularidad lang ang hawak na puhunan ngayon ni Maine, salat pa siya sa talento sa pag-arte, ang popularidad ay tumatamlay pero ang natural na kaalaman sa pagganap ay hindi naglalaho.

Walang kahit sinong personalidad na makapagsasabi na kanila pa rin ang bukas, hindi ‘yun ipinangangako kahit kaninong artista, kapag wala na ang mga tili at palakpak ay siguradong bababa na ang kurtina ng entablado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with