SEEN: Makapal ang make up ni Ian Veneracion sa cover ng June issue ng Starstudio Magazine kaya nagbago ang hitsura niya.
SEEN: Hindi na sikreto ang gold mermaid tail ni Janella Salvador sa My Fairy Tail Love Story dahil inilabas ni Perci Intalan ang litrato niya. Balak ng Regal Entertainment Inc. na isali sa 2017 Metro Manila Film Festival ang Janella-Elmo Magalona starrer.
SCENE: Ina ng Pelikulang Pilipino ang parangal na matatanggap ni Mother Lily Monteverde sa The Eddys, ang award-giving body ng The Society of Philippine Entertainment Editors.
SEEN: Inilibing kahapon sa San Pablo City, Laguna si Eleuterio Reyes, ang kabiyak ng aktres na si Azenith Briones. Nasawi si Reyes dahil sa suffocation sa Resorts World Manila tragedy noong June 2.
SCENE: Simula sa June 26, dalawang beses na mapapanood si Carla Abellana sa primetime programs ng GMA 7 dahil bida siya sa Mulawin vs. Ravena at sa I Heart Davao na ipapalit sa timeslot ng Meant To Be.
SEEN: Pinalakpakan ng audience ang special screening ng Ma’Rosa sa Arthouse Cinema Alba, Zurich noong May 24. Beneficiary ng Ma’Rosa screening ng M. Mondejar Steiner Foundation Inc. ang mga biktima ni Typhoon Haiyan sa Tacloban City noong 2013.
SCENE: Naglaro kahapon ng Jackpot en Poy sa Eat Bulaga si Paolo Contis. Mali ang mga hula na hindi na makakapag-guest si Paolo sa Eat Bulaga dahil binatikos niya noon si Senator Tito Sotto dahil sa controversial na “na-ano lang” statement nito.
SEEN: Featured guests ngayong hapon sa #BFFGoals episode ng Dear Uge ng GMA 7 sina Lovi Poe at Max Collins. Mapapanood ang comedy anthology ni Eugene Domingo pagkatapos ng Sunday PinaSaya.
SCENE: Absent sa Sunday PinaSaya sina AiAi delas Alas at Ruru Madrid dahil special guests sila ngayon sa 119th Philippine Independence Day celebration at 2017 Summer Festival sa Ueno Park, Tokyo, Japan.