Rachelle Ann engaged na, diamond ring na suot naka-display!

Rachelle Ann Go

Engaged na nga ba ang bagong Filipina West End star na si Rachelle Ann Go?

Marami ang naniniwala na engaged na si Ra­chelle Ann dahil sa suot nitong diamond ring in her photo na kuha sa kanyang advance 30th birthday celebration with her friends in London.  Pero kung siya’y engaged na, imposibleng hindi ito malaman ng kanyang pamilya at showbiz friends.  If ever, sino naman kaya ang lucky guy?

Very prominent ang diamond ring na suot ni Rachelle Ann na aakalain mo talagang engagement ring.

Camille handa na sa kasal

Nakapag-prenup shoot na ang engaged couple na sina Camille Prats at John Yambao na kinunan pa sa Santa Monica Beach in Los Angeles, California kamakailan lamang.

Hindi pa nagbibigay ng petsa at detalye ang ikaka­sal pero ito’y inaasahang mang­yayari early next year.  The couple got engaged last July 18, 2016 na ginanap sa Nayomi Resort in Batangas (na pag-aari ng pamilya Prats) kung saan din ikinasal noong isang taon ang mag-asawang John Prats at Isabel Oli.

Camille was first married to Anthony Linsangan na sumakabilang-buhay noong September 23, 2011 dahil sa nasapharyngeal carcinoma sa edad na 31. Ang mag-asawa ay may isang anak, si Nathaniel Caesar, 8.

Naging nobyo naman ni Camille ang kanyang US-based fiancé na si John in 2012.

Masaya si Camille dahil tanggap ni John ang kanyang anak na si Na­than at  close umano ang dalawa.

Tiyak na may special participation si Nathan sa forthcoming wedding ng kanyang mommy at John.

Ang isa pang ikinatutuwa ni Camille ay nag-confirm na umano ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez na kakanta sa wedding nila ni John.

Speaking of Nathan, isa siya sa pinakabagong miyembro ng Goin’ Bulilit, ang longest-running kiddie gag show ng ABS-CBN.

Show comments