Mukhang mas magiging maswerte pa ang karera ni MacNeal “Mak-Mak” Briguela kaysa kay Simon “Onyok” Pineda.
Bukod kasi sa kasama siya sa serye ni Coco Martin na Ang Probinsyano ay kino-consider pa siya para makasama ni Vice Ganda sa isang binabalak na pelikula ng Star Cinema.
Kung ito ay para sa Metro Manila Film Festival o pang regular viewing lang, ito ay hindi pa masabi.
Role ng mga bakla ang gagampanan nina VG at Mak-Mak na siya namang tunay na kasarian nila.
Hindi isang role lamang ang pagiging beki ng batang aktor na nadiskubre sa YouTube, talagang beki na siya mula sa pagkabata at ito ang iniaarte niya nang una siyang madiskubre.
Nakaungos man si Mak-Mak kay Onyok sa balak na pagsasama nila ni Vice sa movie, baka si Onyok naman ay isama ni Coco sa isa sa kanyang mga pelikula. Istilo ito ni FPJ na palaging may kasamamg bata sa kanyang mga pelikula.
Kylie ayaw tumira sa mansyon nina Mariel at Robin
Hindi pala rito kundi sa Australia naka-base si Kylie. She stays with her mom Liezl and her three siblings and comes home only when she has work. Wala namang problema si Kylie sa kanyang stepmom na si Mariel Rodriguez.
She can stay with them, ang laki-laki naman ng bahay nila ni Binoe pero, mas gusto niyang independent siya at nakakagalaw on her own kaya she has her place here to stay.
Rafael nag-adjust kay Rhian
Isa pang maipagmamalaki ng Kapuso network itong si Rafael Rosell. Nagagawa nitong sabayan si Rhian Ramos sa Sinungaling Mong Puso na nagsimula na noong Lunes ng hapon sa GMA. Bagaman at napakagaling niyang aktor ay nagagawa niyang mag-underact para masabayan si Rhian na wala yatang ginawa sa unang araw kundi ang umiyak nang umiyak.
Hindi mo tuloy aakalain na strong ang character na ginagampanan niya sa series. Saan kaya dadalhin ng character niya ang ex-Kapamilya sa hangarin niyang maalalayan ang kapareha niya. Malayo pa ang tatakbuhin ni Rhian para maitawid ang kanyang mahirap na role.
Tatay ayaw pamano kay Alden
Sa daming nagba-bash sa AlDub, nakatutuwang hindi naapektuhan ang first solo movie ng sikat na loveteam.
At kahit may doubt ang marami sa relasyon ng dalawa na pinatutunayan ng magagandang photos nila na lumalabas sa social media at maging ang mensahe ni Maine Mendoza para kay Alden Richards ay tinatanggap na sinserong patunay ng relasyon nila.
Pero ano itong hindi raw tinanggap ng ama ni Yaya Dub ang pagmamano sa kanya ng Pambansang Bae? Ang nakaramdam ng pagkapahiya ay ang mga tagahanga ni Alden. Pero, baka naman walang balak na hiyain si Alden ng ama ni Maine. Baka ayaw lang nitong may nagmamano sa kanya.
Ang gusto lang nito ay isang handshake kaya huwag nang intrigahin ang ginawa nitong pagtanggi sa pagmamano ni Alden.
Reyna ng Kundiman may concert
Kahit retirado na at matagal nang wala sa Pilipinas at naninirahan na sa Amerika kasama ang kanyang pamilya ang itinuturing na Reyna ng Kundiman na si Sylvia La Torre, pansamantala nitong iiwan ang kanyang pamamahinga sa edad na 83 para magsagawa ng isang konsyerto kasama ang Filipino-American Symphony Orchestra (FASO) sa Agosto 13 sa Glendale, California.
Makakasama niya sa show ang apo aniyang si Anna Marie Perez de Tagle na meron ding showbiz career dun. Nagsimula ito sa Disney at hanggang ngayon ay tumatanggap ng assignment sa sikat na kumpanya. Si Sylvia mismo ang nagsanay sa kanyang apo.