Pero pelikula ni Enrique ‘di pinanood Kris nakisawsaw na naman sa AlDub movie, Jinggoy at Bong nabuhayan sa paglaya ni GMA

Kris Aquino

SEEN: Ang meet-and-greet nina James Reid at Nadine Lustre sa activity center ng Trinoma sa July 24, 3:00 pm para sa book signing ng Team Real.

SCENE: Trending topic worldwide noong Lunes nang gabi ang pilot telecast ng Encantadia, ang retelling ng ipinagmamalaki na telefantasya ng GMA 7.

SEEN: Mga masahista ang trabaho nina Arci Muñoz, Coleen Garcia at Jessy Mendiola sa Extra Service, ang upcoming sexy comedy movie ng Star Cinema.

SCENE: Uso sa mga tele­serye ng ABS-CBN ang mag-taping sa ibang bansa. Lumipad sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga sa Singapore para sa taping ng Be My Lady, kinunan sa Hong Kong ang ilang eksena ng Ang Probinsyano, nag-taping sa Japan ang cast ng Born For You, nag-taping sa Europe sina Ritz Azul, Paulo Avelino at Ejay Falcon para sa A Promise of Forever at pupunta sa Greece sina James Reid at Nadine Lustre para sa Till I Met You.

SEEN: Ang mga television crew at news reporter sa harap ng Veterans Memorial Medical Center dahil inabangan nila kahapon ang “paglaya” ni ex-President Gloria Macapagal Arroyo na pinawalang-sala ng Supreme Court sa kasong pandarambong.

SCENE: Nabuhayan ng pag-asa ang mga supporter nina dating senador Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr. na papayagan sila ng korte na magpiyan­sa para sa kanilang pansamantalang kalayaan dahil absuwelto sa plunder case si Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo. Dalawang taon nang nakakulong sa PNP Custodial Center ng Camp Crame sina Estrada at Revilla.

SEEN: Proud father si Senator JV Ejercito dahil rumampa sa isang fashion show noong Linggo ang kanyang anak na si Emilio. Nagmana si Emilio sa kanyang ina, ang former model at beauty queen na si Patty Betita.

SCENE: Nakisali si Kris Aquino sa box office success ng Imagine You & Me dahil pinanood  niya at pinuri ang pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza.

SEEN: Nagtatanong ang fans ni Enrique Gil kung kailan naman panonoorin ni Kris Aquino ang Dukot ng Star Cinema at kalaban sa takilya ng Imagine You & Me.

SCENE : Umariba sa ratings ang It’s showtime noong Saturday. Humamig ng 19.7% sa national TV ratings vs AlDub anniversaty sa Eat Bulaga na nagtamo ng 15.9% ayon sa Kantar Media.

Show comments