^

PSN Showbiz

Kring-Kring nag-apologize sa pagmumura ng anak!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Naproklama nang mayor-elect ng Tacloban City ang actress-singer-politician na si Cristina “Kring-Kring” Gonzales-Romualdez.

Si Kring-Kring ang bagong mayor ng Tacloban bilang kapalit ng outgoing ma­yor, ang kanyang mister na si Mayor Alfred Romualdez na magtatapos na ang termino sa katapusan ng Hunyo.

Nangako si Kring-Kring na ipagpapatuloy pa rin niya ang maga­gandang proyektong na­si­mulan ng kanyang mister na siya niyang magiging mentor/adviser sa kanyang pag-upo bilang mayor.

Babalik muna sa pribadong sector si Mayor Alfred para tutukan ang kanilang mga negosyo.

Samantala, agad nagpahayag ng apology si Mayor Kring sa sinabi ng anak tungkol kay Cong. Leni Robredo na ngayon ay nangunguna sa bilangan ng pagka-bise presidente. “In behalf of my daughter Sofia I apologize for such words she tweeted about (Leni). As a mother and most especially as a Christian, I do NOT approve of such words. She is very apologetic and is learning. Sofia is 16 so I believe she didn’t realize what she was doing.”

KC ateng-ate sa mga kapatid sa labas

Big sister ang turing kay KC Concepcion ng kanyang pitong half-siblings sa ina’t ama na sina Fran­kie, Miel at Miguel (mo­ther side), Gabrielle, Chloe, Samantha at Savanna (sa father side).

Being the eldest daughter ng kanyang estranged parents na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, si KC na rin mismo ang nag-reach out sa kanyang mga kapatid lalo na sa father side na hindi niya madalas makita at makasama.

Magmula nang bumalik sa Pilipinas ang ama ni KC na si Gabby matapos mamirmihan sa Amerika sa loob ng halos 13 taon, naging close naman siya sa iba pa niyang mga kapatid sa kanyang ama at kasama na rito ang dalawang anak sa kanyang present wife na si Genevieve Yatco Gonzales.

Si Gabrielle ay anak ni Gabby kay Grace Ibuna, si Chloe sa second wife nitong si Jenny Syquia.

Magkakaiba man ang ina’t ama ng kanyang half-siblings, hindi ito dahilan para hindi siya maging close sa kanyang mas nakababatang mga kapatid.

Samantala, masaya ngayon ang puso ni KC dahil sa Azkals player na si Aly Borromeo na approved sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ina.

Robin at manager may kanya-kanyang paliwanag

Marami ang nalungkot sa paghihiwalay ng landas nina Robin Padilla at manager nito of long stan­ding na si Bechay Vidanes ng Vidanes Marketing Management Ser­vices na parehong nagbigay ng kanilang magkahiwalay na pahayag sa kanilang respective Instagram accounts last Tuesday, May 10.

“Conflict of interest” ang sinasabing dahilan ng paghihiwalay ng landas nina Robin at ni Bechay.

Ang team-up nina Robin at Betchay ay nagsi­mula nang mag-expire ang management contract ni Robin sa Viva na pinamumunuan ni Boss Vic del Rosario, Jr.  Umalis si Bechay sa Viva para tutukan ang kanyang pagiging manager ni Robin.

Zsa Zsa tapos na sa pagmumukmok

Ayaw magmukmok ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla dahil sa pagkalas niya sa kanyang fiancé na si Architect Conrad Onglao kamakailan lamang.

Although bumalik na si Zsa Zsa sa kanilang taha­nan ng yumaong Comedy King na si Dolphy sa Marina, unti-unti na ring naghihilom ang “sugat” sanhi ng kanilang paghihiwalay ng kilalang arkitekto na na­ka­relasyon niya sa loob ng dalawang taon.

Nagre-report na rin si Zsa Zsa sa taping ng kanyang tu­matakbong teleserye sa ABS-CBN, ang The Story of Us na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim at humaharap na rin siya sa iba niyang mga showbiz commitments.

Nagpapasalamat din si Zsa Zsa sa suporta sa kanya ng kanyang mga anak at pamilya at mga kaibigan dahil sa kanyang pinagdadaanan ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with