Nakakalungkot talaga na sa halip na mapag-isa ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang industriya ng pelikula ay nagawa pa nitong malagyan ng gap ang pagitan ng mga artista at gumagawa ng pelikula.
Dahil lang ito sa kumpetisyon, huh. At ‘yung mga dapat magmalasakit ay siya pang nangunguna sa away!
Movie nina Marya, Cristine, at Paolo, may pramis!
Mukhang may dating ang Lumayo Ka Nga Sa Akin kung saan ay kabilang sa cast sina Maricel Soriano at QC Mayor Herbert Bautista.
Buong akala ko ay isang full length movie ito, hindi pala. Isa itong trilogy na nagtatampok ng horror, comedy, at romcom. Nasa horror sina Marya at Bistek, nasa romcom naman sina Paolo Ballesteros at Cristine Reyes at sa comedy sina Benjie Paras at Candy Pangilinan.
O ‘di ba, sa cast pa lamang ay promising na? Palabas na ‘to sa January.
Lovi at Rocco bati na naman!
Kasaya naman for Lovi Poe na sumama sa reunion party ng Nacino family. Kung magkagalit pa sila, kahanga-hanga ang ginawa niya. Kung sila na ulit, eh ‘di wow!
Marami ang matutuwa dahil nagkabati na pala sila. Anumang pinagdaanan nila should be put behind them.