Jodi nagiging pang-kontrabida na ang akting, Kaya umaapir sa Kalyeserye Anak ni Vic Sotto nagpapakilala sa mga botante, Ryan Christian Recto naghahanda na rin p

Seen: Nagiging Jean Garcia at hindi Eula Valdes ang acting ni Jodi Sta. Maria bilang Amor Powers sa mga eksena nito sa Pangako Sa ‘Yo. Si Eula ang Amor Powers at si Jean ang Claudia Buenavista sa original version ng Pangako Sa ‘Yo.

Scene: Hysterical si Dawn Zulueta sa mga eksena niya sa teaser ng You’re My Home, ang bagong drama series ng ABS-CBN.

Seen: Ang cameo appearance ni Vico Sotto sa kalyeserye ng Eat Bulaga noong Lunes na subtle way na pagpapakilala sa kanya sa publiko, lalo na sa mga botante ng Pasig City. Kakandidatong konsehal ng 1st District ng Pasig City sa 2016 ang anak nina Vic Sotto at Coney Reyes.

Scene: Paghahanda sa future political career ni Ryan Christian Recto ang representation niya sa amang si Senator Ralph Recto sa proklamasyon noong Huwebes ng mga kandidatong senador ng Partido Galing at Puso.

Seen: Lumitaw ang pagiging Chinese ni Congressman Sherwin Gatchalian nang mag-buckle siya sa kanyang speech sa proklamasyon niya bilang senador ng Partido Ga­ling at Puso. Nahirapan si Gatchalian na sabihin ang pangalan ng partido na kinaaniban niya.

Scene: Pabebe ang reaksyon ni outgoing ABS-CBN President Charo Santos sa cover ng Metro magazine.

Seen: Ang loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Kim Chiu, at Xian Lim, Liza Soberano, at Enrique Gil ang itinapat ng Starstudio magazine kina Alden Richards at Maine Mendoza, ang cover ng November 2015 issue ng YES magazine.

Scene: Magkasabay na magaganap sa November 10 ang Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC) at ang 1st PUSH Awards ng ABS-CBN Digital.

Show comments