Pero hindi matawag ang pangalan... Kris sapul kay Robin!
Alex Gonzaga over acting sa pagpapakasal ni Toni
SEEN: Ang spoof ni Noli De Castro kay P-Noy sa TV Patrol noong Miyerkules. Ginaya ni Noli ang sinabi ni P-Noy na “Wala ba kayong itatanong sa akin?’ nang humarap ang pangulo sa PNP-SAF Troopers na dinedma siya nang bonggang-bongga.
SCENE: Ang paliwanag ni Robin tungkol sa kanyang mga Instagram post: Hindi po kami nagpapasaring dito o may pinatatamaan bagkus diretso po naming isinisiwalat ang kakulangan at kalabisan ng ating gobyerno at ng ating mga namumuno, lalo ang dayuhan na kanilang Panginoon. Ang mga post ko po mula noong 29 hanggang dito ay mga liham para sa ating mga Pilipino, hindi po sa isang artista o kapatid ng Pangulo. Tunay pong nakakapuwing ang kanilang pagkailitista ngunit hindi po sila ang dahilan ng ating pagkabulag.
SEEN: Ang comparison kina Pope Francis at P-Noy. Muling humingi ng paumanhin si Pope Francis sa mga residente ng Palo, Leyte dahil sa kanyang misa na hindi natuloy noong January 17 at hindi nag-apologize si P-Noy sa hindi nito pagsipot sa arrival honors para sa mga pulis na nasawi sa Mamasapano massacre.
SCENE: Ang contract signing ngayon ni Viva Group of Company big boss Vic del Rosario at ng SM management para sa kanilang joint project na Asian Tagalized Theater.
SEEN: Ang pagtitinda ng pork adobo in a jar ang bagong negosyo ng mag-asawang Liza Dino at Aiza Seguerra. Personal na niluluto ni Liza ang pork adobo.
SCENE: Overacting na ang reaksyon ni Alex Gonzaga sa engagement nina Toni Gonzaga at Paul Soriano. Umaarte si Alex nang hindi naaayon sa kanyang edad.
SEEN: Ang shooting kahapon sa Pagsanjan, Laguna ng Ang Sugo, ang long-delayed movie project ng Iglesia Ni Cristo. Three hundred million pesos ( P300 million ) ang budget ng INC sa Ang Sugo.
- Latest