MANILA, Philippines - Nagbunga ang ginagawang pagre-restore ng ABS-CBN ng Pinoy classic films. Pinagkalooban sila ng Award of Excellence mula sa prestihiyosong InÂternational Gold Quill Awards 2014 para sa film restoration campaign nito na naglalayong mapanumbalik ang kalidad ng classic Filipino films at muli itong ipakilala sa kasalukuyang mga manonood.
Tinanggap ni ABS-CBN head of Content MaÂnagement Group, Film Archives & Special Projects na si Leo Katigbak ang parangal mula sa International Association of Business Communicators sa ginanap na IABC Gold Quill Awards Gala sa Toronto, Canada.
“Kakaibang antas ng husay ang ipinamalas ng mga kaÂlaÂhok ngayong taon kaya naman ipinagmamalaki namin na maÂpabilang sa listahan ng mga nagÂwagi at maging isa sa mga kinatawan ng bansa,†sabi ni Katigbak.
Isinusulong ng ABS-CBN Film Archives ang pag-restore at gawing high definition (HD) format ang mga mahahalagang titulo sa kasaysayan ng Philippine cinema para maipamalas at maipapanood pa sa susunod na mga heneÂrasyon. Sinumulan ito noong Oktubre 2011, sa pakikipagtulungan sa Central Digital Labs, sa peÂlikulang Himala ni Ishmael Bernal.
Matapos ang matagumpay na pag-restore ng Himala, ipinalabas uli ito sa pamamagitan ng telebisÂyon, cable, siÂneÂhan, pay-per-view, at DVD. Naimbitahan pa ito sa pretihiyosong 69th VeÂnice Film Festival.
Ginamit ang parehong stratehiya sa iba pang peÂÂlikulang ni-restore tulad ng Oro, Plata, Mata at Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?
“Mahusay na sinalamin ng tatlong pelikulang ito ang kultura at uri ng lipunang mayroon ang mga Pilipino noon. Hindi lang natin ito dapat pangalagaan kung hindi’y dapat masalin din sa digital format para na rin sa kapakaÂnan ng susunod na henerasyon ng mga maÂnonood,†paliwanag niya.
Dagdag pa ni Katigbak, malayo pa ang tatakbuhin ng restoration project lalo pa’t marami pang classic Filipino films ang nakatakdang i-restore sa mga susunod na taon tulad ng Virgin People, Hindi Nahahati Ang Langit, at Karnal.