For all his faults in pursuing a very popular na conÂtroversial personality like Kris Aquino at sa pagsasabing mahal niya ang kanyang mga anak bilang dahilan ng pagtalikod niya rito at sa pagtigil ng kanyang panlilIgaw dito, marami at marahil ay kasama na rin si Kris sa humahanga kay Mayor Herbert BauÂtista sa paglalagay ng kapakanan ng kanyang mga anak bilang una kaysa sa kanyang sarili. NakuÂha nga ng ama ng lungsod ng Quezon ang paggalang ng marami kasama na ang ina ng dalawa sa kanyang mga anak na nagpahayag ng pagiging mabuti niyang ama sa kanilang mga anak at hindi biÂnigo sa pangangailangan nila hindi lamang sa pera kundi maging sa presensiya niya.
Sayang, he would have been a good catch para sa isang naghahanap ng pagmamahal para sa kanyang sarili na tulad ng presidential sister. Hindi nakapagtataka kung ikalungkot man at ikagalit ni Kris ang kanilang paghihiwalay.
Samantala, nagiging shoulder to cry on ni Kris si Derek Ramsay. ‘Yun nga lamang, baka ma-broken-heart na naman siya kapag nalaman niya na kaibiÂgan lang talaga ang maasahan niya sa hunk actor na sa bibig din nito mismo nanggaling ang hangganan ng kanilang pagkakaibigan.
Yes, kahit gaano man ka-concern ang TV5 actor sa presidential sister, talagang hindi na maaring mauwi ang relasyon nila sa romansa. Mas kumportable na si Derek na maging kanlungan bilang friend and not as her lover si Kris. Katunayan, nung manood sila ng sine ay hindi silang dalawa lamang, kasama nila sina Bimby at Josh. Nagustuhan kaya ng dalawang bagets ang pinanonood nilang Fault in our Stars na feeÂling ko ay mas tipo ng mga girls, ng nanay nila, kaysa ng mga boys.
Family dinner ang Father’s Day celebration nina Ryan at Juday
Walang naging Father’s Day celebration ang pamilya Agoncillo. Nagkataong may presscon ng Ismol Family si Ryan nung araw ng mga ama kaya napagkasunduan na lamang nila na magpa-dinner sa bahay nila, with Mommy Carol doing the cooking. Siyempre andun ang kapatid na lalaki ni Juday at ang family nito at ang brother and dad ni Ryan joined them in the evening.
Carla nadagdagan ang sama ng loob kay Geoff
Inalok pala kay Carla Abellana ‘yung role na tinanggihan ni Judy Ann Santos sa indie movie na Mariquina. Gusto sana niyang tanggapin ang offer, pero talagang wala siyang makitang schedule na maibigay sa prodyuser at direktor nang mag-meet sila.
Samantala, pinabulaanan ng Kapuso actress na sila na ni Tom Rodriguez. “Hindi naging kami at hindi rin kami, pero ayaw ko namang sabihin na never magiÂging kami. Nagugulat lang kami sa mga tsismis, pero alam naming part of our work ito, pero nagugulat pa rin kami sa mga naiisip ng tao sa amin,†paliwanag ni Carla na umaming na-hurt siya nang hindi siya binati ng kanyang ex na si Geoff Eigenmann nung birthday niya.