Poor Raymart Santiago, hindi man niya gustuÂhin makapaglalabas siya ng baho o kapintasan ng kanyang misis para lamang maipagtanggol ang kanyang sarili. Wala naman siyang choice, kung hindi niya ito gagawin ay siya naman ang tuluyang malulubog sa putik na ginawa ng kanyang asawa. Kung bakit naman kasi, hindi na lang nila pinag-usapan ang lahat. Sana naghiwalay na lamang sila ng maayos. Ngayon, pati mga anak nila madadamay na sa gulo. Ayaw sana ni Raymart pero dahil si Claudine ang nagpasimuno, sasagot at sasagot siya. Matanong ko lang, wala bang magagawang paraan ang mga magulang nila para maayos sila?
Audience ng ibang live show may talent fee
Bago pa ba ‘yung kaalaman na binabayaran ‘yung audience ng mga live shows? Hindi na po. Isa rin po itong pinagkakakitaan ng marami ngayon. Nagi-enjoy na sila sa panonood, kumikita pa sila. Hindi naman siguro ganun ka-adik for entertainment ang marami sa mga pumupunta ng istudyo ng TV para manood ng show. Baka noon oo pero, hindi na ngayon. Talagang may TF na sila para lamang mapuno nila ang lugar at pumalakpak kung kinakailangan. At walang masama rito, magandang hanapbuhay ito, lalo’t regular. May mga masusuwerte pa ngang nanalo kapag napiling contestant. Kaya sa halip na tumunganga sa inyong mga bahay at maghintay ng grasya, try n’yong manood ng mga live shows sa mga TV stations, baka kumita pa kayo at manalo ng pera. Try n’yo lang.
Paggawa ng masama, career din
Ano ba naman ang nangyayari sa ating bansa? Gumaganda nga ang ekonomiya ayon sa reports pero, ang dami-dami namang krimen na hindi nalulutas. Sa pagdami ng mga kriminal at masasamang tao, iisa lamang ang puwedeng ipakahulugan, mahirap pa rin ang bansa. Gumagawa ng masama ang marami para lang kumita. Mas madaling paniwalaan na ang kahirapan ang dahilan ng maraÂÂming krimen kaysa ang sinasabi ng ilan na tamad ang Pilipino at ayaw mahirapan kaya nagiging kriminal na lamang, Pakiramdam ko hindi rin madaling maÂging kriminal.