Teenager sa U.S., nakapasa sa bar exam sa edad na 17!
SA edad na 17, si Sophia Park ay nakapagtala sa kasaysayan bilang pinakabatang nakapasa sa California Bar Exam, ang bar exam na isa sa pinakamahirap ipasa sa U.S. Nakakuha siya ng passing rate na 53.8 percent.
Inanunsyo ang tagumpay ni Sophia noong Nobyembre 8, 2024, matapos siyang kumuha ng bar exam noong Hulyo. Ang kanyang hindi pangkaraniwang paraan ng schooling kung saan pinagsabay niya ang bachelor’s degree at law degree noong siya ay 13-anyos ay hinangaan nang marami.
Sa Marso 2025 ipagdiriwang ni Sophia ang kanyang 18th birthday at sa panahon ding iyon uumpisahan niya ang kanyang career bilang prosecutor sa Tulare County District Attorney’s Office.
Si Sophia Park ang pinakabatang nakapasa sa Bar Exams sa U.S.
- Latest