^

Punto Mo

‘Alulong’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Last part)

ISANG gabi, dakong alas onse, ginambala kami nang malakas at mahabang alulong ni Blackie.

Kinilabutan ako sapagkat pagkaraan ng ilang taon ay noon lamang muli umalulong si Blackie.

Sino ang namatay na ibinabalita ng alulong ni Blackie? Kamag-anak sa side ni Papa o ni Mama.

Maski si Papa at Mama ay nagulumihanan sa pag-alulong ni Blackie.

“Masama ito! Bakit ang haba ng alulong ni Blackie?” tanong ni Papa.

“Bakit anong nararamdaman mo?’’ kinakabahang tanong ni Mama.

“Masama ang kutob ko.’’

“Anong kutob mo Papa?” tanong ko.

Pero hindi sumagot si Papa sa tanong ko. Kinabahan ako.

Sa labas, patuloy ang pag-alulong ni Blackie. Mahaba at nakapaninindig balahibo.

Kinabukasan, isang napakalungkot na balita ang tumambad sa amin. Napaiyak kami. Hindi namin inaasahan.

Patay na si Blackie!

Iyon ang dahilan kaya siya umaalulong kagabi. Namamaalam!

vuukle comment

KARANASAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with