Tips for all Seasons (2)

Kung kailan nasa bahay na, saka lang natin mare-realize na maliit ang nabili nating sapatos. Kung wala nang paraan upang ito ay isauli sa tindahan, ganito ang gawin: Magsuot ng tatlong sapin na medyas. Isuot ang sapatos na bagong bili. Kumuha ng hair dryer at i-blow dry ang paa na may suot na sapatos ng 10 minutes. Tanggalin ang medyas. Magkakasya na ang iyong paa sa bago mong sapatos.

Uminom ng isang basong fresh apple juice bago matulog upang makaranas ng maliwanag na panaginip.

Ilagay sa airplane mode ang cell phone habang naglalaro ng games upang tumigil ang pagpapakita ng ads sa screen.

Aplayan ng Listerine ang tagihawat upang mabilis itong matuyo.

Nagbe-bake ng cookies ngunit naubusan ng itlog. Sa bawat isang pirasong itlog na gagamitin, ihalili ang kalahating pirasong saging, saba or lacatan.

Umidlip muna sandali pagkatapos mong magbasa ng bagong karunungan upang ito ay manatili nang matagal sa iyong memory.

Ilublob sa Coke ang buhok na dinikitan ng bubble gum. Ibabad ng ilang minuto saka tanggalin.

Kung wala kang pambili ng condom, palatandaan yon na wala kang karapatang magkaroon ng anak.

Pagkarating sa inyong bahay, linising mabuti ang maleta na ginamit mo sa pagbibiyahe. Sa maleta dumidikit ang surot na nagmula sa hotel na tinigilan mo.

Feeling depressed pero di mo alam kung bakit. Uminom ka ng tubig. Malamang na nauuhaw ka lang kaya ganyan ang nararamdaman mo.

Mas tumatagal ang lifespan ng battery kung ilalagay mo ito sa refrigerator ng isang araw bago gamitin.

(May kasunod)

Show comments