^

Probinsiya

Aso ‘kinarne’ ng tindera, bituka lumuwa

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

SUBIC, Zambales, Philippines — Patay ang isang aso matapos tagain ng isang babaeng tindera ng karne sa Subic Public Market sa bayang ito kama­kalawa ng umaga.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa ganap na alas-10:44 ng umaga.

Sinasabing nagnakaw ang asong si “Tiger” ng piraso ng karne sa isang meat stall kung saan nagtatrabaho ang tindera na siya din itinuturing suspek sa pagpatay sa aso.

Dito ay inundayan na ng suspek ang kaawa-awang aso ng taga gamit ang butcher knife hanggang sa lumuwa ang bituka ng naturang hayop.

Dinala naman sa himpilan ng pulisya ang suspek matapos ang pangyayari at mahaharap sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act of 1998 (RA 8485) at Philippine Animal Welfare Act of 2013 (RA 10631).

Dahil sa tinamong matinding pinsala ay nasawi sa mismong palengke ang naturang aso.

Desidido naman ang kampo ng may-ari ng aso na ipursige ang kanilang isinampang kaso upang mabigyan ng leksyon ang suspek at upang mabigyan din ng katarungan ang sinapit ng kanilang alagang aso.

ASO

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with