^

Probinsiya

‘Feeling pogi’ may dalang boga, arestado

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang isang lalaking nag-ala “Alyas Pogi” sa pelikula matapos mahulihan ng desabog na baril sa bayan ng Doña Remedios Trinidad (DRT), dito sa lalawigan.

Sa report kay Bulacan Police director PCol. Satur Ediong, kinilala lang ang suspek sa alyas “Roel”, 48-anyos.

Ayon sa report ng DRT Police Station, naaresto ang suspek bandang-4:30 ng hapon nitong Marso 26 sa Brgy. Pulong Sampaloc.

Nabatid na isang tawag ang natanggap ng mga awtoridad sa isang concerned citizen na may isang lalaking pagala-gala at may bitbit na shotgun na animo’y parang eksena sa pelikula.

Dahil dito, rumesponde ang ilang intelligence officers na malapit sa lugar para maberipika ang report hanggang sa makita ang lalaking may bitbit na shotgun kaya agad nilang inaresto.

Nakumpiska ng mga awtoridad sa suspek ang isang improvised shotgun at isang live round ng 12-gauge (GA) shotgun ammunition.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->