^

Probinsiya

San Rafael, Bulacan posibleng isama sa Election Areas of Concern

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
San Rafael, Bulacan posibleng isama sa Election Areas of Concern
San Rafael, Bulacan
Wikimedia

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Police Regional Office-3 Director, Police Brig. Gen. Jean Fajardo na pinag-aaralan nilang irekomenda sa Commission on Elections (COMELEC) na maisama na sa Election Areas of Concern ang bayan ng San Rafael sa lalawigan ng Bulacan.

Kasunod na rin iyan ng insidente ng pamamaril sa lugar noong isang linggo kung saan, tatlong indibidwal na sakay ng SUV ang nasawi matapos pagbabarilin ng suspek na nakasakay din sa isa pang SUV.

Ayon kay Fajardo, kasama sa mga sinisilip ay ang posibilidad na may kaugnayan sa politika ang nangyaring pananambang. Kasama kasi aniya sa mga nabiktima ay nagtatrabaho bilang IT Consultant ng isang kilalang politiko sa Bulacan.

Una rito, bumuo na ng isang Special Investigation Team ang PNP Region 3 para tutukan at resolbahin ang kaso.

Nag-alok na ng P2 milyong pisong pabuya para sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspek.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with