Bahay ni Duterte, hahalughugin! - Baste

Former president Rodrigo Duterte attends first ICC hearing via videolink.

Bantay sarado ng supporters...

MANILA, Philippines — Bantay sarado sa mga tagasuporta ni da­ting Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang kanyang bahay sa Sapphire Street, Doña Luisa Phase 1, Matina District, Davao City kasunod ng ulat na sasalakayin at hahalug­hugin ito ng pulisya.

Personal na pinuntahan ni Davao City Ma­yor Sebastian “Baste”
Duterte ang bahay ng kanyang ama kasunod ng kanilang nakuhang impormasyon na papasukin ito ng pulisya anumang oras.

Nasa Maynila si Baste upang asikasuhin ang kanyang visa patungong Netherlands nang lumipad pabalik ng Davao.

“May natanggap akong impormasyon na papasukin daw ang bahay. Wala namang problema, sa totoo lang. Papasok sila, gusto nilang tingnan, ganyan. May respeto ako sa trabaho ng pulis. Ang problema diyan, wala akong tiwala sa liderato natin ngayon. Importante talaga nga­yon na alam natin ang ating mga karapatan,” ani Baste.

Itinanggi naman ng Police Regional Office 11  na may plano silang halughugin ang bahay ng dating Pangulo.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Internatio­nal Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Duterte sa Scheveningen, The Hague.

Show comments