2 obrero nalibing nang buhay

MANILA, Philippines — Nalibing ng buhay ang dalawang obrero habang sugatan naman ang isang ginang matapos na gumuho ang relocation site sa ginagawa ng mga itong sewerage system sa isang convention center sa Laoag City, Ilocos Norte nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Christian Mark Velasco, 41-anyos ng Quezon, Isabela; at Christian Lestino, 32 ng Pasig City.

Nasagip naman ang isang ginang na kinilalang si Rebecca Beltran, 36, ng Sto Tomas, Batangas na nasa construction site sa lugar ng mangyari ang trahedya.

Sa report ng Laoag City Police at City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), dakong alas-12:30 ng hapon habang kasalukuyang hinuhukay ng mga biktima ang 2.5 metrong lalim sa lupa sa nasabing construction site nang aksidente itong gumuho.

Nagawa pa ng kanilang mga kasamahan na isinugod ang mga ito sa Gov. Roque Ablan Memorial Hospital pero idineklara ng dead on arrival sina Velasco at Lestino.

Si Beltran ay patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan sa tinamo nitong mga sugat at galos sa katawan.

Show comments