MANILA, Philippines — Natagpuang wala nang buhay ang isang Slovak national sa isang abandonadong chapel sa Zone 3, Sitio Pinaungon, Brgy. Balabag, Boracay Malay, Aklan.
Kinilala ang biktima na si Michaela Mickova, 23, residente ng Hennan Lagoon Resort.
Sa impormasyon ng PNP, naiulat na nawawala si Mickova noong Lunes, Marso 10, at natagpuan lamang nitong Miyerkules, March 12, 2025.
Ayon sa rumespondeng pulis, wala nang suot pang-ibaba ang biktima nang matagpuan ng mga residente at pulisya. Nabubulok na rin ang katawan nito.
Pinaniniwalaang ginahasa rin ang biktima. Sa ngayon, nakipag-ugnayan na ang mga awtoridad sa embahada ng Slovakia hinggil sa naturang insidente habang patuloy na inaalam ng Malay Municipal Police Station ang sanhi ng pagkamatay ng dayuhan.