^

Probinsiya

200 Nmax motorcycles ipinamahagi sa Cavite Police sa Valentine’s Day

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
200 Nmax motorcycles ipinamahagi sa Cavite Police sa Valentine�s Day
Nag-thumbs up sa tuwa ang mga pulis-Cavite nang ma- bigyan ng mga motorsiklong gagamitin para sa kanilang pagpapatrolya laban sa mga kriminalidad sa lalawigan.
Cristina Timbang

CAVITE, Philippines — Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, ipinamahagi ni Cavite Police Provincial Office (PPO) director PCol. Dwight Alegre ang may 200 na pirasong Nmax motorcycle na gagamitin sa pagpapatrolya sa buong lalawigan.

“Patrulyang Magilas” ang temang binuo na gagamitin ng mga pulis na “Magilas Patrollers” na siyang mga mag-iikot sa buong Cavite.

Layunin nito na mapanatili at maiwasan sa lalawigan ang mga dumaraming insidente ng holdapan, akyat-bahay at kriminidad partukular na sa mga negosyante at mga establisimyento o negosyong madalas mabiktima ng mga panghoholdap.

Ang nasabing programa ay suportado ni DILG Secretary Jonvic Remulla at Cavite Go­vernor Athena Tolentino.

Kasabay nito, namigay rin ng mga bulaklak sa mga babaeng pulis si Col. Alegre bilang selebrasyon sa Valentines Day kahapon.

JONVIC REMULLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->