MANILA, Philippines — Magsasagawa sana ng intelligence, surveillance at reconnaissance support ang eroplanong bumagsak sa Barangay Malatimon, Ampatuan, Maguindanao del Sur, Huwebes ng hapon.
Ito naman ang nakasaad sa liham na ipinadala ng PENTAGON sa Kampo Aguinaldo kung saan kinontrata umano ito ng United States INDO-PACIFIC Command (INDOPACOM).
Napag-alamang galing Cebu ang Beechcraft King Air 300 at patungo ng Cotabato City nang mangyari ang insidente.
Nabatid din na isang US Military serviceman at tatlong Defense Contractor ang sakay ng bumagsak na eroplano.
Samantala, nakikipagtulungan na ang pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga lokal na otoridad para malaman ang sanhi ng pagbagsak ng isang US military aircraft.