‘Basag Kotse Gang’ 3 beses umatake sa Silang
CAVITE , Philippines — Nababahala ang mga residente partikular na ang ilang negosyante sa bayan ng Silang makaraan ang tatlong magkakasunod na insidente ng “basag-kotse” sa dalawang lugar ng bayang ito.
Sa ulat, unang insidente ay naganap nitong Enero 28 dakong alas-4:30 ng hapon sa Chavez Restaurant sa Parking Area sa Brgy. San Vicente 2, Silang nang madiskubre ng dalawang biktima ang kanilang sasakyan na parehong basag ang mga bivb ntana.
Sa salaysay ng mga biktimang sina alyas Raymondo, 50-anyos ng Brgy San Francisco, General Trias City at alyas Edwin, 58-anyos, ng Lipa City, Batangas, halos magkasabay silang nag-park sa parking area ng Chavez Restaurant dakong ala-1:00 ng hapon.
Hinimpil ng biktimang si Raymondo ang kaniyang Toyota Hilux na may plate no. NEC4312, habang kasunod nito na nag-park si Edwin ng Toyota Hilux din na may plakang WBO152.
Madaling araw nang pumasok ang mga suspek sa nasabing restaurant at makalipas ang may ilang oras o alas-4:30 ng lumabas sila kaya dito na nadiskubre na kapwa basag ang mga bintana ng kanilang sasakyan
Natangay sa unang biktima ang isang itim na backpack na naglalaman ng ASUS laptop na may halagang P30,000 at P40,000.00 cash money.
Samantala, patay rin ang isa pang lalaki na natangayan ng isang itim na rucksack na naglalaman ng mga importanteng dokumento.
Isa sa mga suspek ang diumano’y namataan na nakasuot ng red-blue jacket at itim na pantalon na nakasakay sa itim na NMax.
Ang pangatlong insidente ay naganap nitong Enero 30 alas-8:30 ng gabi sa isang bulalohan sa Brgy. Biga 2, bayan din ng Silang.
Ayon kay alyas “Louie”, 50, engineer ng Multinational Avenue, Parañaque City, nagtungo siya kasama ang isang kaibigan sa Anthony’s Bulalohan Restaurant upang kumain. Ipinark nito ang sasakyang Toyota Fortuner (NDZ5241) sa lugar, minuto lamang ang bumalik sa kaniyang sasakyan at may kukunin pero dito na niya nadiskubre na basag na ang kanang bahagi ng bintana sa may passenger seat ng sasakyan. Natangay ng suspek ang isang golf bag na naglalaman ng isang wristwatch na may halagang P40,000, isang pares ng golf shoes na may halagang P18,000, cash money na P2,000 at iba’t ibang klase ng IDs. (Cristina Timbang)
- Latest