^

Probinsiya

25 na patay sa BARMM habang ipinatutupad ang gun ban

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Mas pinaigting pa ang implementasyon ng gun ban sa Bangsamoro region matapos masawi sa pamamaril ang 25 katao sa mga lugar na sakop nito mula ng ipatupad nitong January 12 ang naturang regulasyon ng Commission on Elections.

Sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mga probinsya ng Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Lanao del Sur, Basilan at mga lungsod ng Cotabato, Marawi at Lamitan.

Malakas na kultura ang gun possession para mga residente ng BARMM bilang “status symbol” at para sa mga pamilyang sangkot sa “rido” o clan war, na proteksyon sa mga kalaban. May mga combat weapons din ang mga mi­yembro ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front na naninirahan sa iba’t ibang bayan at lungsod sa rehiyon.

Sa tala ng tanggapan ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, abot na sa 25 ang napatay sa mga insidente ng pamamaril sa BARMM mula January 12 hanggang nitong gabi ng Huwebes.

Ayon kay Macapaz, nagtutulungan ang lahat ng mga unit ng PRO-BAR at ang Western Mindanao Command na pinamumunuan ni Army Lt. Gen. Antonio Nafarrete sa pagpapalawig ng implementasyon ng Comelec gun ban sa BARMM.

Ang pinakahuling napatay sa pamamaril sa BARMM ay ang 52-anyos na negosyanteng si Abdulrasa Saidde Madiza, na biktima ng ambush sa Barangay Malinis, Lamitan City, B asilan nitong gabi ng Huwebes.

Sakay ng kanyang motorsiklo si Madiza, pauwi na sana sa kanila sa Brgy. Limook, Lamitan City nang tambangan ng mga armadong lalaki na mabilis na nakatakas.

BARMM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->