Mag-asawa sa Cotabato timbog sa P3.4 milyong shabu

Kinilala ni PDEA-BARMM director Gil Cesario Castro ang mga suspek na sina ‘Theng’ at ang kanyang asawa na si ‘Saima’ na mga residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bumagsak sa mga kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) ang isang mag-asawa sa buy-bust operation,kamakalawa sa Cotabato City.

Kinilala ni PDEA-BARMM director Gil Cesario Castro ang mga suspek na sina ‘Theng’ at ang kanyang asawa na si ‘Saima’ na mga residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Nabatid na nakaka­lap ng impormasyon ang PDEA hinggil sa operasyon ng mga suspek kaya agad na ikinasa ang buy-bust.

Sa Poblacion 5, Cotabato City nadakip ang dalawa at nakuhanan ng 500 gramo ng shabu na umaabot sa P3.4 mil­yon, buy-bust money; dalawang cellphones, wallets, at mga identification cards.

Nasa kustodiya na ng PDEA BARMM Jail Faci­lity ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments