P20 milyong shabu, nakumpiska sa Bulacan

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng P20 milyon halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang naares­tong suspek sa alyas Marvin, 33, High Value Individual (HVI).

Sa report, ikinasa ang operasyon ng Special Operation Unit 3 ng PNP DEG, PDEA Bulacan, Provincial Intelligence team Bulacan, Regio­nal Intelligence Unit 3 at SJDM police station, alas-4:55 ng umaga nitong Enero 7 sa Brgy. Tungko Mangga at nasamsam ang tinatayang tatlong kilong hinihinalang shabu na aabot sa halagang P20 milyon, buy-bust money, cellphone at grey back pack.Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa SJDM police station.

Show comments