^

Probinsiya

Lalaki, naglalaro ng ‘scatter game’ sa computer shop, dinedo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki nang pagbabarilin ng hindi kilalang salarin habang naglalaro ng online games sa loob ng isang computer shop sa Antipolo City,Rizal, kamaka­lawa.

Dead-on-the-spot ang biktimang nakilalang si Biboy Montallana, alyas ‘Ace dela Cruz,’ habang nakatakas naman ang hindi pa nakikilalang salarin.

Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat ng Antipolo City Police, bago naganap ang krimen, ala-1:00 ng hapon ay naglalaro ang biktima ng online scatter game sa loob ng isang computer shop sa Sitio Taguisan 1, Brgy. Bagong Nayon 1, sa Antipolo City nang bigla na lang pumasok sa computer shop ang salarin at agad na pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nang matiyak na napuruhan ang target ay mabilis na ring tumakas ang salarin, bitbit ang ‘di pa batid na kalibre ng baril na ginamit sa krimen.

ANTIPOLO CITY

RIZAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with