Guro ng Islamic school, itinumba!

Sa ulat nitong Linggo, kinumpirma ng mga opisyal ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, na agad na namatay sa mga tama ng bala sanhi ng naturang pananambang si Kamar Biyamen, Arabic language at religion teacher sa isang Madrasah, o Islamic religious school, sa naturang bayan.
STAR/ File

COTABATO CITY MANILA, Philippines — Napatay ng mga armado ang isang Islamic school teacher, na popular sa pagpapalaganap ng pagkakaunawaan ng mga Muslim at Kristiyano, sa Barangay Duguengen sa Shariff Saidona Mustapha nitong Sabado.

Sa ulat nitong Linggo, kinumpirma ng mga opisyal ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, na agad na namatay sa mga tama ng bala sanhi ng naturang pananambang si Kamar Biyamen, Arabic language at religion teacher sa isang Madrasah, o Islamic religious school, sa naturang bayan.

Sa ulat ng Shariff Saydona Mustapha Police kay Macapaz, naglalakad si Biyamen sa Sitio Cantain sa Barangay Duguengen, mula sa isang Musabaka, o paligsahang pangkaalaman ng mga estudyante sa isang Islamic school nang lapitan ng mga salarin at pinaputukan na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Inatasan na ni Macapaz ang hepe ng Shariff Saidona Police na magpatulong sa mga barangay officials sa pagkilala sa mga pumatay kay Biyamen upang masampahan agad ng mga kaukulang kaso.

Show comments