3 ‘kidnaper’ arestado, dinukot na trader nasagip Rescue ops sa Angeles City

Kapwa nasa kustodiya ng MPD-PS6, ang mga suspek na sina Jason Christopher Paloma, 29 at kapatid nitong si Christian, 25,kapwa taga 2350 Interior 48 Pasig line Street, Sta. Ana, Manila nang tangkain nitong pigilan ang gagawing pag-aresto sa kanyang Kuya. Sa imbestigasyon, isinagawa ang buy-bust operation, alas-3:56 ng madaling araw sa harap ng bahay sa 2641 interior 48 Pasig line Street, Brgy. 781 Zone 85 Sta. Ana, Maynila.

CAMP OLIVAS, San Fernando City, Pampanga, Philippines — Naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang tatlong suspek at nailigtas ang isang negosyante sa mabilisang operasyon matapos ang iniulat na insidente ng kidnapping sa Barangay Sta. Trinidad, Angeles City, nitong Nobyembre 14.

Sa ulat, isang 44 anyos na negosyante ang sapilitang dinukot ala-1:05 ng madaling araw ng mga indibidwal na nagpanggap na pulis.

Sa isinagawang rescue operation ng Angeles City Police Station 2, katuwang ang City Intelligence Unit ng Angeles City Police Office (ACPO), naaresto sa parehong araw bandang alas-10:40 ng gabi ang tatlong suspek na sina alias “Jeff”, tricycle driver; alias “Ariel,” aircon technician, at alias “Rey,” cook.

Nagreport sa Police Station 2 ang kapatid ng biktima, dahil sa pagkawala ng kanyang kapatid. Ipinakita niya ang CCTV footage kung saan makikita ang tatlong lalaki na naka-sibilyan at nagpapakilalang mga pulis saka kinaladkad ang biktima at sapilitang isinakay sa isang maroon Honda City sedan bago mabilis na tumakas.

Sa pagsusuri ng CCTV footages at intelligence gathering, natunton ang kinaroroonan ng mga suspek at nasagip ang biktima habang isa pang suspek ang nakatakas.

Narekober sa operasyon ang getaway vehicle, isang maroon Honda City sedan (ZLV 676), at isang shooters cal. .45 firearm at 12 bala. Nanghingi umano ng P200,000 ransom ang mga suspek kapalit ng kalayaan ng biktima.

Pinuri ni PBrig. Gen. Redrico Maranan, director ng PRO3, ang mga opera­tiba sa kanilang mabilis at epektibong aksyon. 

Show comments