Shabu dealers, nakapatay ng 2 pulis tugis

Tiniyak nitong Sabado ni Brig. Gen. Romeo Jaime Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsa­moro Autonomous Region, na aalalayan nila sa pagpapagamot ang dalawang pulis na nabaril ng mga shabu dealers sa naturang insidente, naganap sa Crossing Simuay Area sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
STAR/ File

COTABATO CITY, Philippines — Patuloy na tinutugis ng mga pulis at military intelligence agents ang dalawa sa apat na shabu dealers na sangkot sa pagpatay sa dalawang pulis at pagkasugat ng dalawa pa sa isang madugong entrapment operation sa Maguindanao del Norte nitong Biyernes.

Tiniyak nitong Sabado ni Brig. Gen. Romeo Jaime Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsa­moro Autonomous Region, na aalalayan nila sa pagpapagamot ang dalawang pulis na nabaril ng mga shabu dealers sa naturang insidente, naganap sa Crossing Simuay Area sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Ginagamot na sa isang hospital sina Patrolman Jonel Ramos at Patrolman Eddie Sugarol habang ang mga labi naman ng kanilang mga kasamang nasawi na sina Cpl. Kirt Sipin at Patrolwoman Roselyn Bulias ay naihatid na sa kani-kanilang mga pamilya.

Dinalaw ni Macapaz ang mga sugatang sina Ramos at Sugarol sa pagamutan nitong Biyernes, ilang oras matapos ang kanilang engkwentro sa apat na shabu dealers na target ng kanilang entrapment operations sana.

Sa naturang entrapment operation, bibili sana ang mga nabanggit na mga operatiba ng drug enforcement unit ng PRO-BAR sa apat na dealers ng P6.8 million na halaga ng shabu ngunit ang mga ito ay naglabas ng mga baril at nagpaputok ng mahalatang mga pulis pala ang kanilang ka-transaksyon.

Dalawa sa mga suspects, sina Suhod Kasim at Ting Katulangan, ang sugatan sanhi ng engkwentro at nasa kustodiya na ng PRO-BAR. Nakatakas ang dalawa nilang kasama na ayon sa mga barangay officials ay may mga tama rin ng bala, pinaghahanap na ng mga pulis at mga tropa ng Army units sa Sultan Kudarat.

Show comments