^

Probinsiya

‘Gold exploration’ sa Abra, paiimbestigahan sa Kamara

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
âGold explorationâ sa Abra, paiimbestigahan sa Kamara
Map of Abra.
Wikimedia

BANGUED, Abra, Philippines — Nakatakdang maghain sa Lunes (Nov. 11) ng isang resolusyon ang isang kongresista na humihiling sa Kamara na magsagawa ng imbestigasyon kung paano nabigyan ng permit ang isang London-based mining company para makapagsagawa ng “gold o mineral exploration” sa bayan ng Sallapadan nang walang konsultasyon sa mga katutubo dahil tatamaan ang kanilang ancestral lands na nasa mahigit 16,000 ektarya.

Ayon kay Abra Congresswoman Menchie Bernos, lumalaki ang pangamba ng mga Indigenous Peoples (IPs) dahil nakataya rito ang kinabukasan ng kanilang mga lupain makaraang pahintulutan ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Mines and Geosciences Bureau (MGB) nang kanilang isyuhan ng “Authority to Verify Minerals” (ATVM) ang Yamang Mineral Corporation (YMC) para sa exploration sa Sallapadan.

Petsang October 31, 2024, ang YMC, ang subsidiary ng London-based FCF Minerals Corp. ay nagsabing natanggap na nito ang pinal na pag-apruba para sa kanilang exploration dril­ling activities sa Brgy. Manicbel, Sallapadan na makakaapekto sa mga lupain ng mga katutubong Tingguians at maging sa mga bayan ng Licuan-Baay at Lacub.

Binigyan diin ni Rep. Bernos na kailangang masuri ito, dahil isa itong

napakaseryosong bagay sanhi ng malawak na epekto sa mga lupain ng mga IPs at maging sa kalikasan at ecological ba­lance ng Abra, makaraang makakuha ng detalyadong impormasyon mula kay Sallapadan Mayor Fernando Alafriz Sema­nero na lumapit sa MGB, DENR-Abra at sa National Commission on Indige­nous Peoples (NCIP) at kinukuwestyon kung bakit hindi nakonsulta ang mga IPs o mga Indigenous Cultural Community (ICC) na kinabilangan niya bago aprubahan ang permit.

Hango sa liham ni Mayor Semanero sa NCIP at MGB noong Nob. 4, isinasaad na “Follo­wing the grant of ATVM to YMC, there is a significant number of members from the indigenous people (IP) or indigenous cultural community (ICC) not only from the affected areas of Sallapadan, but also from the rest of the barangays in the Municipality who are now airing their concerns and disapproval of mining in of Sallapadan.”

Ipinaliwanag ni Sema­nero na nais ng mga IPs at ICC ng Sallapadan na masuspinde ang ATVM na inisyu sa YMC dahil hindi nasunod at labag sa NCIP Administrative Order No. 3 series of 2012 o The Revised Guidelines on the Exercise of FPIC, at iba pang mga may kaugna­yang proseso.

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with