4 tirador ng convenience store huli sa Pampanga

Kinilala ni PRO-3 director PBrig. Gen. Redrico Maranan ang mga suspek na sina Tristan Awa Bestoguey, Tom Contade Nadnaden, Harold Bangloy Saqueb, at Daniel Dave ­Tolingan Egsaen, pawang mga residente ng Baguio City at Mountain Pro­vince.

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga tauhan ng Police Regional Office (PRO)-3 ang apat na tirador ng convenience store na pinaniniwalaang miyembro ng organized crime group sa Central Luzon nitong Linggo.

Kinilala ni PRO-3 director PBrig. Gen. Redrico Maranan ang mga suspek na sina Tristan Awa Bestoguey, Tom Contade Nadnaden, Harold Bangloy Saqueb, at Daniel Dave ­Tolingan Egsaen, pawang mga residente ng Baguio City at Mountain Pro­vince.

Ang mga suspek ay nadakip sa isinagawang follow-up ope­rations ng mga pulis matapos makatanggap ng tawag ang mga awtoridad hinggil sa pagnanakaw sa convenience store  sa Barangay Consuelo, ­Floridablanca, Pampanga nitong ­Oktubre 20 bandang ala-1:30 ng madaling araw.

Agad na nadakip si Bestoguey at sa follow-up operations ng mga pulis ay naaresto rin sina Nad­naden, Saqueb at Egsaen. Sila ay nakuhanan ng iba’t ibang uri ng baril, granada, P90,000 cash, groceries, at isang SUV na Toyota Fortuner (CCL-8293).

Ang mga suspek ang itinuturong sangkot sa panghoholdap sa ­ilang convenience stores sa Aliaga at San Jose City, Nueva Ecija.

Show comments