Rider patay sa salpok ng van, 1 pa sugatan

SARIAYA, Quezon, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang rider habang sugatan ang menor-de-edad niyang backrider matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang closed van sa Barangay Sto. Cristo ng bayang ito kamakalawa.

Ang biktima na nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si “Jay”, habang ginagamot sa ospital ang sugatang angkas niyang 16-anyos na si “Marco”.

Ayon sa ulat, kumaliwa ang motorsiklo ng mga biktima patungo sa warehouse ng isang convenience store nang sumalpok ito sa kanang likurang bahagi ng closed van na minamaneho ni alyas “Brandon”.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang mga biktima at mabilis na isinugod sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival ang rider na si Jay.

Show comments