Negosyanteng Chinese nilooban: Bodyguard at cook, iginapos

Kinilala ng pulisya ang mga iginapos na sina Yu Yuan Guan, cook, Chinese national at nagsisilbi ring bodyguard, at isang Charlie Bolias, driver-security/bodyguard ng nasabing negosyante.

CAVITE, Philippines — Umatake muli ang mga hinihina­lang kilabot na “Akyat Bahay Gang” matapos pasukin ang bahay ng isang negosyanteng Chinese national at iginapos ang kanyang bodyguard at cook na isa ring Chinese saka nilimas ang pera, alahas at mahahalagang kaga­mitan nito, kahapon ng madaling araw sa Grand Centennial Homes, Brgy. Magdalo-Potol, Kawit.

Kinilala ng pulisya ang mga iginapos na sina Yu Yuan Guan, cook, Chinese national at nagsisilbi ring bodyguard, at isang Charlie Bolias, driver-security/bodyguard ng nasabing negosyante.

Sa ulat ng pulisya, alas-2:30 ng madaling araw nang biglang duma­ting ang walong suspek na sakay ng dalawang kotse na kapwa Sedan.

Dire-diretso umano ang suspek na pumasok sa bahay ng Chinese businessman at agad na tinutukan ng maiksi at mahahabang armas ang naka-duty na security guard/bodyguard at ang tagaluto ng negosyante na isa ring Chinese, saka sila iginapos.

Dito na simulang limasin ng mga suspek ang mga pera, alahas, cellpone at mahahalagang gamit ng mga biktima. Tinangay rin nila ang Norinco caliber 45 ng driver bodyguard nito at cash money na aabot sa mahigit sa P100,000.

Tinangka pang pasu­kin ng mga suspek ang second floor ng bahay kung saan naroon ang Chinese businessman subalit nabigo itong buksan ng mga suspek.

Mabilis na tumakas ang mga suspek at dumaan pa sa main gate ng nasabing subdivision.

Show comments