^

Probinsiya

‘LAB FOR ALL” sa Maguindanao sinabotahe – Mangudadatu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinulgar ni Sultan Kudarat Governor Datu Pax Ali Mangudadatu na ang proyektong “Lab For All” outreach program ni First Lady  Liza Araneta-Marcos (LAM) ang  umano’y isa sa mga paraan nang panggigipit ni Special Assistant to the President (SAP) Anton Lagdameo sa kanilang lugar.

Ayon kay Mangudadatu, wala umanong kinalaman ang “Lab for All” ng Unang Ginang dahil para ito sa publiko at mga taga Sultan Kudarat.

Una nang inalmahan ni Mangudadatu at ama nitong si Suharto “Datu Teng” Mangudadatu, da­ting Technical Education and Skills Development Autho­rity (TESDA) Secretary ang panggigipit ni Lagdameo.

Aniya, ginagawa umano lahat ni Lagdameo ang panghaharass at panggigipit para sila ay maipit at maipanalo nito ang kanyang mga manok para sa darating na 2025 elections.

“Kung kaya niyang ipa-kansel ang walang kapoli politikang Lab For All na project ni FL Lisa Marcos, eh di mas kaya niyang duruin ang mga LGU execs” ani Datu Pax.

Nagpahayag ng pagkabahala ang gobernador sa umano’y pangingialam ni Lagdameo sa BARMM

Paraan umano ito ni SAP na iparamdam sa kanila na kahit na walang kamalay-malay na proyekto ng Unang Ginang ay kaya nilang ikansela para ipamukha na sila ay mas makapangyarihan sa lahat.

DATU PAX ALI MANGUDADATU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with