^

Probinsiya

Habal-habal driver pinagtimpla muna ng kape bago itinumba

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bulagta sa loob mismo ng kanilang bahay ang isang habal-habal driver matapos pa­sukin ng 10 armado at pagbabarilin sa Brgy.Calabad, Dimasalang, Masbate,kamakalawa ng umaga.

Napuruhan ng pung­lo sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilala lamang na si “Gabo”, 50-anyos, residente ng naturang lugar.

Sa ulat na nakarating sa Camp Gen.Simeon Ola, dakong alas-7:45 ng umaga habang nasa loob ng kanilang bahay ang biktima kasama ang kinakasamang si Bel Villegas nang biglang pumasok ang 10 armadong kalalakihan.

Tatlo sa mga suspek ang nagpatimpla ng kape kay Gabo. Gayunman, nang magtungo sa kusina ang biktima upang magtimpla ng kape ay sinundan ng tatlo at doon ay walang kaabog-abog na pinagbabaril. Hindi naman sinaktan ng mga suspek ang maybahay ng biktima.

Narekober ng mga rumespondeng pulis ang ilang basyo ng bala ng Kalibre 45 baril at M16 Armalite Rifle.

Patuloy sa ginagawang imbestigasyon ang Dimasalang Police para matukoy ang pagkakakilanlan at motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

MASBATE

DIMASALANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with