^

Probinsiya

4 obrero tepok sa tangke ng patis!

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

OBANDO, Bulacan, Philippines —  Patay ang apat na ­lalaking trabahador matapos na hindi makahinga sa nakabaong concrete tank ng abandonadong pabrika ng patis sa Brgy. Panghulo ng nasabing bayan kama­kalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Rodolfo Tolentino, caretaker; Michael Lumukso, Eduardo Salomag at Raffy Felix; kapwa nasa hustong gulang at mga construction worker.

Sa report ng Obando Police, naganap ang insidente bandang alas-2:00 ng hapon nitong Oktubre 3, sa may pabrika ng patis sa Brgy. Panghulo.

Ayon sa imbestigas­yon, unang namataan ng helper na nagngangalang Allan sa lugar ang nakahandusay na si Tolentino sa kanyang nililinis na concrete tank na may lalim na 12 talampakan.

Agad na humingi ng tulong si Allan sa tatlo pang nabanggit na obrero na nasa lugar para saklolohan sana si Tolentino subalit sila rin ay hindi na nakahinga at nalagutan ng hininga sa loob ng naturang tangke.

vuukle comment

RODOLFO TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with