‘Wanted’ sa 6 robbery natimbog

Sa ulat ng Taytay Municipal Station, ang akusadong si alyas “Nathan”, ay inaresto sa Taytay Police Station, sa Kadalagahan St., Barangay Dolores, Taytay, Rizal, ng mga tauhan ng Tracker Team ng nasabing police station, alas-2:30 ng hapon nitong Oktubre 3.

MANILA, Philippines — Imbes na trabaho, kulungan ang binagsakan ng isang lalaking wanted sa anim na kaso ng ­robbery nang arestuhin habang nag-aaplay ng police ­clearance sa Taytay, Rizal, kamakalawa.

Sa ulat ng Taytay Municipal Station, ang akusadong si alyas “Nathan”, ay inaresto sa Taytay Police Station, sa Kadalagahan St., Barangay Dolores, Taytay, Rizal, ng mga tauhan ng Tracker Team ng nasabing police station, alas-2:30 ng hapon nitong Oktubre 3.

Ang pag-aresto sa akusado ay bunsod sa inilabas ng iba’t ibang korte na kabuuang 6 warrants of ­arrest sa mga robbery cases na may inirekomendang ­piyansa na tig-P40,000.

Show comments