21-anyos babae todas sa ligaw na bala!

Ayon sa impormasyon, nangyari ang insidente nitong Lunes ng gabi, Setyembre 30, habang nagsasagawa ng “surveillance operation” ang pulisya laban sa isang lalaking wanted sa pagpatay.
File

Nadamay sa police ops..

MANILA, Philippines — Ligaw na bala ang sinasabing dahilan ng pagkamatay ng isang 21-anyos na babae matapos na masapol sa isang police ­operation laban sa isang wanted person sa Surigao City.

Ayon sa impormasyon, nangyari ang insidente nitong Lunes ng gabi, Setyembre 30, habang nagsasagawa ng “surveillance operation” ang pulisya laban sa isang lalaking wanted sa pagpatay.

Ani Police Major June Hontanosas, Officer in Charge (OIC) ng Police Community Affairs and Development Unit (PCADU), napansin umano ng suspek ang mga pulis at sinubukan nitong bumunot ng baril kaya inunahan na siyang paputukan ng mga ­operatiba.

Gayunman, mabilis na nakatakas ang suspek pero tinamaan ng bala ang babaeng biktima na nasa lugar.

Dahil sa pangyayari, posibleng maharap sa administrative charges ang dalawang pulis.

Show comments