Magkapatid na kinder, patay sa lunod

Ang mga biktima ay kinilala lang sa mga alyas na “Mike”, 6-anyos, at “Kel”, 5-anyos, kapwa kindergarten pupils at residente ng Sitio Apia, Brgy. Calawis.

MANILA, Philippines — Patay ang magkapatid na paslit nang malunod sa ilog sa Antipolo City, Rizal kamakalawa.

Ang mga biktima ay kinilala lang sa mga alyas na “Mike”, 6-anyos, at “Kel”, 5-anyos, kapwa kindergarten pupils at residente ng Sitio Apia, Brgy. Calawis.

Lumilitaw sa ulat ng Antipolo City Police na dakong alas-4:00 ng hapon nang madiskubre ang pagkalunod ng mga batang biktima sa Sitio Apia River, sa Sitio Apia.

Sa salaysay ng mga magulang ng mga biktima, nagulat na lang sila nang impormahan sila hinggil sa pagkalunod ng kanilang mga anak.

Naisugod pa ang dalawang bata sa Ca­bading District Hospital para sana malunasan ngunit patay na nang idating doon.

Anang mga magulang, lingid sa kanilang kaalaman ay lumalim ang ilog sa lugar dahil sa ginagawang pag­huhukay ng lupa roon upang ­ipantambak sa kalsada.

Show comments