14-anyos binatilyo na-trap, tepok sa sunog

MANILA, Philippines — Patay ang isang bina­tilyo nang sumiklab ang isang sunog sa kanilang tahanan sa Binangonan, Rizal kahapon ng mada­ling araw.

Ang biktima ay nakilala lang sa alyas na “Cyrus”, 14-anyos at residente ng Belen St., Brgy. San Carlos, Bina­ngonan.

Lumilitaw sa inisyal na ulat ng Binangonan Municipal Police Station na dakong alas-12:40 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa tahanan ng biktima.

Nakulong umano ang biktima sa loob ng nasusunog nilang tahanan na nagresulta sa pagkamatay nito.

Dakong alas-12:55 ng madaling araw nang maideklarang under control at tuluyang naapula ang sunog.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa P7,500 ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng sunog.

Inaalam pa naman ng mga awtoridad ang na­ging sanhi ng pagsiklab ng poy.

Show comments