Single mom sinalpok ng truck, dedo

Pumanaw sa hospital ang biktimang si Ness Sison, na isa diumanong single mother, dahil sa mga sugat at pasang tinamo sanhi ng aksidente.

COTABATO CITY, Philippines — Isang 43-anyos na ginang ang nasawi nang masalpok ng isang six-wheeler freezer truck van habang padaan sa isang bahagi ng highway sa Barangay Barol sa Lupon sa Davao Oriental nitong Biyernes.

Pumanaw sa hospital ang biktimang si Ness Sison, na isa diumanong single mother, dahil sa mga sugat at pasang tinamo sanhi ng aksidente.

Nawalan diumano ng kontrol sa manibela ang driver ng van na nakabundol sa kanya dahil sa mechanical trouble, ayon sa Lupon Municipal Police. 

Nasapol si Sison nang biglang nagawi sa gilid ng highway ang naturang freezer-type van. Pumanaw siya sa pagamutan kung saan siya dinala upang malapatan sana ng lunas. 

Show comments