^

Probinsiya

3 magkakaangkas nadaganan ng trak, pisak!

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
3 magkakaangkas nadaganan ng trak, pisak!
File photo of motorcycle accident.
Philstar.com / Irish Lising, file

BAMBANG, Nueva Vizcaya – Tatlong magkakaangkas kabilang ang dalawang babae ang nasawi matapos silang madaganan ng isang dump truck sa kahabaan ng national highway sa bahagi ng Barangay Banggot, sa bayan na ito kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Russel Orena, 26; Fergielyn Blance, kapwa residente ng Barangay Calaocan, Bambang, Nueva Vizcaya, at Suena Bation, ng Barangay Abian sa nabanggit ding bayan.

Ayon kay P/Maj. Frederick Ferrer, hepe ng Bambang Police Station, sakay sa isang MIO 125 motorcycle ang tatlong biktima nang madaganan ng trak matapos mawalan ng kontrol sa manibela ang driver nito sa pababang bahagi ng kalsada.

Napag-alaman na patungo noon sa bayan ng Echague sa Isabela ang trak na puno ng feeds at minamaneho ni John Paul Paule, 32, residente ng Lubao, Pampangga nang magka-aberya umano na naging sanhi para matumba at mabagsakan ang mga biktima na nasa outer na linya ng kalsada.

Ayon kay Ferrer, ipapasuri ng PNP sa mga mekaniko kung totoong nawalan ng hangin ang preno ng dump trak.

Inihahanda naman ang kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property laban sa driver ng dump truck na ngayon ay nasa kustodya na ng pulisya.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with